March 21, 2020 - tumawag at alamin sa inyong Barangay kung may ipinapamahaging "Home Quarantine Pass" para iwas-huli. Malilimitahan ng Quarantine Pass ang paglabas ng mga tao sa kani-kanilang bahay. Tanging isa lamang sa miyembro ng bawat pamilya ang maaaring makalabas upang bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan bago mag-curfew hours. Hanggang maaari ay hindi pinapayagang bigyan ng Quarantine Pass ang mga lolo o lola (senior age) ng tahanan maliban na lang kung nag-iisa ito sa buhay. Aarestuhin ang lalabag sa lokal na kautusang ito maliban sa siyudad ng Valenzuela at iba pang lungsod na hindi nag-uutos sa regulasyon tulad nito. Ang maaaresto ay maaaring makulong ng 6 na buwan at multa hanggang 100,000 piso. Kaya't tumawag sa inyong Barangay at alamin. Tunkol sa Home Quarantine Pass, basahin: https://www.philstar.com/headlines/2020/03/21/2002505/what-are-quarantine-passes-and-why-are-they-handed-out-during-luzon-wide-lockdown Para sa parusa sa mga lalab...
Food, travel, news, society, and anything in life.