March 21, 2020 - tumawag at alamin sa inyong Barangay kung may ipinapamahaging "Home Quarantine Pass" para iwas-huli. Malilimitahan ng Quarantine Pass ang paglabas ng mga tao sa kani-kanilang bahay. Tanging isa lamang sa miyembro ng bawat pamilya ang maaaring makalabas upang bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan bago mag-curfew hours. Hanggang maaari ay hindi pinapayagang bigyan ng Quarantine Pass ang mga lolo o lola (senior age) ng tahanan maliban na lang kung nag-iisa ito sa buhay.
Aarestuhin ang lalabag sa lokal na kautusang ito maliban sa siyudad ng Valenzuela at iba pang lungsod na hindi nag-uutos sa regulasyon tulad nito. Ang maaaresto ay maaaring makulong ng 6 na buwan at multa hanggang 100,000 piso. Kaya't tumawag sa inyong Barangay at alamin.
At sa iba pang balita, sa ulat ng DOH ngayong Marso 21, 2020, nasa 307 na ang bilang ng kasong may COVID-19, basahin: https://www.doh.gov.ph/2019-nCov
Mag-ingat po tayong lahat!
Salamat!

- Tunkol sa Home Quarantine Pass, basahin: https://www.philstar.com/headlines/2020/03/21/2002505/what-are-quarantine-passes-and-why-are-they-handed-out-during-luzon-wide-lockdown
- Para sa parusa sa mga lalabag, basahin: https://www.rappler.com/nation/254788-doj-says-resisting-disobeying-basis-arrest-luzon-quarantine-coronavirus
At sa iba pang balita, sa ulat ng DOH ngayong Marso 21, 2020, nasa 307 na ang bilang ng kasong may COVID-19, basahin: https://www.doh.gov.ph/2019-nCov
Mag-ingat po tayong lahat!
Salamat!
Comments
Post a Comment